
Yow!
Ako si denster.
At ito ang aking project.
Welcome sa aking maliit na sapot dito sa internet.
Ako ay isang anak, asawa, ama, at kaibigan na mahigit dalawang dekada nang nagpapanggap na software developer dito sa Pilipinas.
Kapag hindi ako nagtatrabaho o napipilitang tumulong sa mga gawaing bahay, nakatutok lang ako sa harap ng computer ko at tumitingin ng kung anu-ano.
Kapag may free time pa, nag-e-enjoy din ako na mag-share ng mga walang kuwentang kuwento at chika. Trip ko ring manood ng mga pelikula at teleserye kapag tahimik na sa bahay, mag-soundtrip habang nagmumuni-muni, magpanggap na marunong magbasa, maglaro ng video games sa easy mode, at mag-isip ng mga maliliit na proyekto na madalas kong sinisimulan pero hindi natatapos.
Singit ko lang na ikaw ang pang-3,263 na naligaw dito. Naks. Apir!

mga bagong kuwento
The Spelling Contest I Never Got to Finish
Naikuwento noong
Noong nine years old ako, sumali ako sa isang spelling contest sa isang AM radio station sa loob ng Camp Aguinaldo. Almost 40 years later, naisipan kong balikan ang memory na ito at alamin kung may historical clues na makakatulong para mabuo ang kuwento.
Bakit “Parlor Games” ang Tawag sa mga Party Games?
Naikuwento noong
Alam mo ba kung saan nagmula ang terminong “parlor games”? Mula sa mga pormal na sala noong unang panahon hanggang sa mga birthday party, school program, at Christmas party sa Pilipinas, tingnan kung paano naging bahagi ng ating mga handaan ang mga larong tulad ng Bring Me, Pinoy Henyo, at Trip to Jerusalem.
Free Games mula sa Epic Games Store: Step-by-Step Guide
Naikuwento noong
Mahilig ka ba sa PC games pero ayaw mong gumastos? Alamin kung paano mag-claim ng free games sa Epic Games Store bawat linggo, mula paggawa ng account hanggang pagdagdag ng games sa iyong Library. Legit, legal, at walang kailangang bayaran!
FREE Tagalog Movies: Legit Filipino Movies You Can Stream on YouTube
Naikuwento noong
Naghahanap ka ba ng libreng Tagalog movies online? Hindi mo na kailangang maghanap pa kung saan-saan para lang makapanood ng Pinoy films. Narito ang ilang legit YouTube playlists kung saan puwede kang manood ng full Filipino movies for free.

she loves me note
Wrong Spelling
Naitala noong
Dalawang lalaki ang nakaranas ng nakakatakot na encounter habang naglalakad sa isang sementeryo.
Walang Multo
Naitala noong
Isang bata ang nagtanong sa kaniyang tatay tungkol sa mga multo matapos makarinig ng nakakatakot na kuwento mula sa isang tao sa kanilang bahay.
Huling Pahina
Naitala noong
Isang lalaki ang nakabili ng isang misteryosong libro mula sa isang matanda sa isang nakakatakot na lugar.

awit sa’yo

mga nali-link sa akin
Cult Cinema Classics
Na-link noong
Kung gusto ninyo manood ng mga classic foreign films, baka magustuhan niyo ang channel na ito. Note na hindi lahat ng movies ay free at for public. Meron silang mga movies na for members only (with subscription).
Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim
Na-link noong
Panoorin ang iba’t ibang kuwento ng makatinding-balahibong karanasan ng ilan sa ating mga kababayan kasama ang Pinoy Horror Icon at ang nagbabalik na si Kabayan Noli de Castro.
The Real Slim Shady Cover
Na-link noong
Every now and then, out of nowhere, may ire-recommend sa iyo si YouTube na magugustuhan mo. Isa ito sa mga video na ‘yun.
NOTE: Matagal na nai-recommend sa akin ito. Naulit lang kagabi.
My Favorite “Magpasikat” Performance
Na-link noong
Karylle, Jugs Jugueta and Teddy Corpuz wowed the audience and their fellow stars of “It’s Showtime” with their performance last October 22, 2013 for “Magpasikat Week.”
Hey There Delilah
Na-link noong
Filmed live mula sa Toronto, September 17, 2026
Already Tomorrow in Hong Kong (2015) | Full Movie
Na-link noong
What happens when you meet the right person at the wrong time?















